sino nga ba ang panalo at talo???
strength is not when we win, or when we are the best, but when we flounder, and still strive to move forward with dignity, grace, and a kick-ass smile… :) keep on kicking ass, my friend. ![]()
yan ang mga salita na binitawan ko para sa isang kaibigan kani-kanina lamang. oo nga. minsan naman, tama ako.
pagdating sa pagkatalo, ay, expert ako dyan. pwede na nga akong magsulat ng libro tungkol sa pagiging talunan eh. pwede na rin akong i guest ni oprah bilang guest consultant about the art of losing.
talo=maxine. ganyan. dati. sometimes na lang ngayon. alam kong madalas akong matalo pero di pa rin ako nagpapatalo. patuloy pa rin akong lumalaban sa giyera ng buhay.
nung nasa elementarya pa lang ako, lagi akong panalo sa school. halos isangla na nga ako ng nanay ko sa junk shop dahil sa dami ng medalyang nakasabit sakin tuwing recognition day. hindi nga naman araw-araw na may makikilala kang bata na grade IV pa lang ay pinipilit na nilang mag 4th year high school. panalo, di ba?
pero talo ako sa maraming bagay. nag iisang babae pa lang ako noon na anak ng mga magulang ko. panalo ako pagdating sa tatay ko. ako yung ultimate papa’s girl, ika nga. pero sa nanay ko, talo ako. as in. tatlo ang kapatid kong lalaki. na pare-parehong paborito ng nanay ko. sila may laruan, ako wala. ngayon ko nga lang naisip na mag t trenta y anyos na ako pero di pa rin ako nakakatikim ng barbie doll. naalala ko pa ang mga laruan ko nun…mga gulong ng mga laruan ng mga kapatid ko. naks. talo.
don’t get me wrong. nag k kwento lang ako, di masama ang loob ko. dahil nga hindi ako loser. at wala akong loser mentality.
anyway, nung na bwiset na ko sa pagiging sobrang talino ko, at na b bore na ko sa paulit-ulit na turo ng mga guro ko, nag laro na lang ako ng iba’t ibang libro sa iba’t ibang library sa tacloban city, leyte sa eday na 9 at sa albay naman sa edad na 10 pataas. halos nakabisado ko na ang mga libro sa kung saan-saang library sa kung nasaan man ang nomadic kong pamilya.
naging talo ako sa paningin ng pamilya ko. ako si ms. cutting classes at si ms. absent. di na nga ako makapag uwi ng medalyang pwedeng ipa kilo sa junk shop. puro notes from the principal na lang.
ganun din nung nag high school ako. yung high school ko na collectively ay halos dalawang taon lang. mahabang kwento, kaya wag ka nang magtanong. ok?
anyway, lalo akong naging talunan nung magsimula akong uminom.
nag ka boyfriend.
nag ka tattoo.
naglayas.
scholar na nag drop out.
sumali ako sa singing contest sa school isang beses. akala ko ako yung first kasi ako yung unang tinawag. yun pala ako ang thrid. at makakapag uwi ng napakalaking premyo na P20. ang masaklap pa, nandun ang tatay ko na proud na proud sakin pero nakita ko ang disappointment sa mata nya. naawa ako sa kanya. at sa sarili ko.
kaya mag mula noon, di na ako sumali sa kung ano mang contest. kahit patayin pa nila ang kuko ko.
kanina nga, niyayaya ako ng kapatid ko mag audition sa pinoy big boobs brother. ayoko nga. patayin nyo na lang ang kuko ko. ayoko pa rin.
oo, alam ko, maganda ang boses ko, at malamang pag narinig nila akong kumanta eh kalimutan nila si charice pekpekmo, at ako na ang sasambahin nila. oo na. magaling akong kumanta. pero ayoko pa rin. kahit ampunin ako ni oprah, ayoko pa rin sumali sa kontes kontes na yan.
sabi nga ng tatay ko, sa kaka tago ko daw ng boses ko, inamag na tuloy. kaya pagkanta ko nung isang araw sa kasal ng kapatid kong lalaking gwapo, “ikaw ” pa naman yung song, naks, umiyak na lang ako kunwari kesa tapusin ko pa yung kanta. at least, napaiyak ko pa silang lahat. kahit hindi sa galak.
anyhoo, sa pag ibig naman, ako ay isang katerbang talunan din. yung tatay ng anak ko, napaka swerte nya na sana sa akin *wink wink*, iniwanan pa ako. ganun din yung part-life partner ko noon. umalis ng walang paalam. basta na lang nag laho sa life ko. taloser. bwiset.
pero go pa rin ako. nag kaka fling pa din. nag kaka boylet kunwari. umiibig ng limang segundo. tumitikim pa rin ng maka mundong kaligayahan. kasi nga fighter ako di ba?
kesehodang masaktan, ang importante, nag try ako. nag try akong masaktan. ![]()
ganun naman talaga. sa bawat pagkatalo mo, may sugat. sa bawat sugat, may pilat. na kumakapal at nag ke keloids. para pag dating ng panahon, para ka nang anak ng elepante at buwaya, makapal pa kay gloria arroyo ang mukha mo. di ka na tatablan.
at sa bawat pagkatalo, may leksyon tayo na dapat matutunan. ewan ko lang kung ano, kasi so far, ako, bobo pa rin hanggang ngayon sa math.
basta ang alam ko lang, ok lang matalo. maliban sa wala na tayong magagawa dahil di naman tayo pwede mag demand ng recount sa comelec, hindi talaga pwedeng sa lahat ng pagkakataon eh panalo tayo. ma tatawag na tayong buraot nyan. sakim at gahaman sa pagkapanalo. ![]()
pag natalo tayo, try ulit. kung di na kaya, wag na, hanap na lang ng ibang pwedeng gawin. madami pang mga bagay ang di ngagawa dito sa mundo. malay mo, ikaw na yung pinaka unang taong makaka pag swimming sa ilog ng dumadaloy na lava sa loob ng bulkan ng mayon. di ba, panalo???
sabi ko nga, let us keep our dignity and grace in the face of failure. bleeh, talo!!!!
