Posted on September 8, 2009 by hitwoman.
Categories: to me who is concerned:.

sabi ng iba, mahirap daw mag hintay sa wala. at mahirap umasa sa bula. naniniwala ako. mukhang totoo naman eh. gaano nga ba kahalaga yung hinihintay natin para umasa tayo? kailangan bang maniguro talaga tayo para umasa tayo sa inaasahan nating dadating?

di nga siguro talaga ako magaling mag pilipino, pag binabasa ko ang sentence ko sa taas naguguluhan ako eh.

anyway, nung isang araw, nalaman kong ang inaasahan kong bukas ay naging kahapon na pala. ganun pala ang pakiramdam, masakit. at ganun pala ang pakiramdam ng masakit. medyo matagal ko na kasing di nararamdaman yun eh. well, understatement yun. matagal na akong walang nararamdaman.

dati, nakasubsob ako sa alak. kaya lagi akong manhid. nung itinigil ko yun, isinubsob ko ang sarili ko sa pag-aayos ng buhay ko. medyo challenging yun, kaya walang naging lugar sa damdamin nung period na to. pagkatapos kong maayos ang sarili ko, isinubsob ko naman ang sarili ko sa trabaho. dahil nga ayokong makaramdam. ayokong maramdaman na nag iisa ako. ayokong maramdaman na malungkot ang may dinadala kapag nag iisa ka. ayokong maramdaman na malungkot ako, period.

kay isinubsob ko ang sarili ko sa kung ano ang pwede kong masubsoban. funny pala pag inulit ulit mo ang word. :))

pero, nung nakasubsob ako, blangko ako. ala akong maramdaman. di ako nalulungkot. di ako sumasaya ng todo. tama lang. robot lang. well, tamang robot lang.

tapos natapos yung episode na yun, so nag hanap ako ng ibang mapag su subsuban ko ng sarili ko.

nakahanap naman. bagong business. bagong passion. bagong responsibilidad. masaya naman. pero syempre, dahil nga nakasubsob uli ako,  ala pa rin akong maramdaman.

kinausap ko ang isip ko. sabi ko, ‘ang lungkot naman nitong wala kang maramdaman. parang papel ka lang na lumulutang sa hangin. walang nakasulat, walang pupuntahan.’

sabi ng puso ko, ‘oo nga, medyo nakaka imbyerna na yung wala kang maramdaman. pero, sa totoo lang, meron naman eh. pinipigilan mo lang. tinatago mo lang. kasi akala mo sa sarili mo, matigas ka. gusto mong patunayan sa sarili mo,  na kaya mong ma control ang emotions mo. ina undermine mo lagi ako. ayaw mo kong palayain dahil takot kang mawala sa hawak mo ang mga sitwasyon.’

sinagot ng isip ko si puso, ‘ ikaw naman. para namang di mo alam, na pag hinayaan kong may maramdaman ako, wala na. giba na ang pader. di ko ma c control, masasaktan at masasaktan ka. pag nasaktan ka, apektado ako. baka malunod na naman ako sa alak, walangya ka. mabuti yung ganito, blangko lang. steady lang. safe tayo pareho.’

di mapigilan ng puso kong sagutin ang utak ko, ‘ alam kong ayaw mo nang masaktan. pero sa kakaiwas mo sa sakit, di ka rin sumasaya. asan na yung ideolohiya mo dati na kelangan mag risk para masabi mong talagang buhay ka? asan na si gary nelle na di takot tumalon galing sa barko? na di takot umakyat sa bundok mag isa? na di takot pumatay at mamatay?’

sabi ni isip kay puso ko, ‘alam mo may punto ka. pero parang ang layo na nung gary nelle na yun. halos sampung taon at 30 kilos ang layo nun sa gary nelle ngayon.’

sagot ni puso, ‘alam mo, kelangan mong ibalik yung dati. yung di ka takot masaktan, para lang sumaya ka. ganun naman talaga eh, may sakit sa likod ng saya. siamese twins yan sila eh. pero ok lang yan. ang importante, maramdaman natin uli na masaya tayo. sige na, subukan mo lang uli. alam mo naman kung ano yung gusto mo at kung ano makakapag pasaya sayo. alam mo kung sino sa kanilang lahat ang makakapagpasaya sayo.’

sa inis, sumagot ang isip ko kay puso nana, ‘ oo na, tama ka na. sige, susubukan ko uling maging tao, manahimik ka lang. susubukan ko uling hanapin yung taong sinubukan kong may maramdaman dati, pero pinigil ko lang kasi ayokong masaktan. tingnan natin kung available pa sya. hehehe. pero kung hindi na, tumigil na tayo. wala namang magugustuhan ang utak na to at wala ring magkakagusto sa puso na to. last na lang to ha?”

nag consensus ang puso at utak ko. walang nagawa ang the rest of my fat body.

sinubukan ko nga. nahanap ko sya.  nung nahanap ko, may naramdaman ako. kasi nga naman, wala nang pumipigil kay puso. ayun, nakaramdam ako uli. nakibalita ako kunwari. nagtanong. nangumusta.

basura. sana nga di na lang ako nagtanong. nalungkot ako sa mga nabalitaan ko. nung una ok lang. sumaya ako, dahil may naramdaman ako. yehey!!! tao na ako ulit. sa loob ng isang araw nagawan ko ng magandang plano ang mga hakbang na gagawin ko.

sabi ko, eto na to. pagkakataon ko na tong sumaya. sumaya ng matagal. kapiling ng taong alam ko mahal na mahal ako. baka lang, sana lang, pwede kaming maging masaya pareho, sa piling ng isa’t isa(at kalahati).

i took a risk, ika nga. nahanap ko, so kinausap ko. nagbakasakali ako. binaba ko lahat ng pader na itinayo ko palibot sa puso ko. ibinaba ko para mailabas ko ang kung ano man ang nararamdaman ko. binuksan ko ang sarili ko para todong todo ang maramdaman ko, kung ano man yun. at umasa ako na sana tama ang desisyon ko.

bukas na bukas. vulnerable na vulnerable. sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, inamin kong tao ako. na may nararamdaman. na marunong umasa sa isang bagay na hindi konkreto, at walang kasiguruhan. binukasan ko ang sarili ko na hindi ako gumamit ng pivot table para ma i graph ko ang mga posibilidad. inamin ko at tinanggap na tao lang ako na pwedeng umamin sa taong mahal ko na mahal ko sya. ng buong puso.

sumabog ang bomba.

dumanak ang dugo at tumulo ang luha. gumuho ang pader at bumagsak ang langit.

yan ang nangyari nung naging tao si gary nelle maxine sa loob ng tatlong araw.

putang ina! sana hindi na lang ako nangarap maging tao uli. sana hindi ako nainggit sa kanilang mga may nararamdaman. sana, hindi ko na lang naisipan. sana hindi na lang ako nakipag usap sa puso ko. sa puso kong madaya.

ngayon tuloy, kelangan kong punasan ang nilalakaran ko, dahil dumadaloy ang dugo. sobrang sakit pala. ganito pala yung masakit. ganito pala masaktan. parang bi ni blade ang puso mo paunti unti. tapos pinapatuluan ng kalamansi. nung namanhid ng konti, ini slice ulit. tapos binudburan ng iodized salt. sakit. :(( buti sana kung si puso lang. eh apektado syempre si utak. pero hindi masyado, kasi mabuti na lang si utak malakas. apektado pero naka pag function pa rin. nagawa pa rin ang mga dapat gawin. nakapag desisyon pa rin ng tama.

pero si puso, ayun, isang tumbling na lang, nasa morgue na sya. pumupiga ng mga salita para ilabas ang mga hinaing. tumutulo ang luha sa keyboard.

karma, ikaw ba yan?

putang ina mo kang karma ka. putang ina mo kang puso ka ang tigas kasi ng left ventricle mo. sabi ko na nga bang masasaktan ka di ka nakinig!@!!!!

eh di magdusa ka!!!

no comments yet.



Leave a comment

Names and email addresses are required (email addresses aren't displayed), url's are optional.

Comments may contain the following xhtml tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>