AYON KAY GARY GRANADA… at sa namayapang atenista

Posted on October 12, 2009 by hitwoman.
Categories: to me who is concerned:.

 

 

mabuti pa sila…

 

Mabuti pa ang mga surot

Laging mayrong masisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum

Laging mayrong didikitan
Mabuti pa ang salamin

Laging mayrong tumitingin
Di tulad kong

Laging walang pumapansin

 

Mabuti pa ang mga lapis

Sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis

Maya’t maya napipisil
Napakaswerte ng bayong

Hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

 

Ano ba’ng wala ako na mayron sila
Di man lang makaisa

Habang iba’y dala-dalwa
Pigilan n’yo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong

Nasasabihan ng ‘mahal’

 

Kahit ang suka ay may toyo

At ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo

At yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

 

Mabuti pa ang simpleng tissue

At laging nahahalikan
Mabuti pa ang dating bisyo

Umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong umuuwing nag-iisa

 

Interlude

 

Pigilan n’yo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion

Lagi na lang kinakasal

 

Mabuti pa ang mga isnatser

Palaging may naghahabol
Ang aking luma na computer

Mayron pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong hanggang ngayon nag-iisa

click this to listen to the song mabuti pa sila by gary granada